VIGAN CITY – Patay ang isang miyembro ng Philippine National Police sa bayan ng Sugpon, Ilocos Sur.
Ito’y matapos barilin nito ang kaniyang ulo habang n asa labas ng simbahan sa Barangay Poblacion.
Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay P/Lt. Gery Arzabal, hepe ng Sugpon Municipal Police Station, nagpaalam umano ang biktimang si PS/Sgt. Romeo Madrigal na magsisimba ito sa St. Anthony Parish Church hanggang sa malaman nilang nagbaril na ito sa ulo.
Nabatid na nakatakda pang umuwi ang pulis para sa kanyang check up at nabanggit daw nito sa kanyang mga kasamahan na mayroong sumusunod sa kanya sa tuwing uuwi at babalik ito ng police station.
Naitakbo pa ang biktima sa Tagudin District Hospital ang pulis ngunit namatay kinalaunan habang nilalapatan ng lunas.