-- Advertisements --

Isang pulis ang kumpirmadong patay sa naganap na shooting incident sa loob mismo ng Community Affairs Section sa headquarters ng Taguig City Police Station.

Ito ay may kaugnayan pa rin sa ulat na nagkasagutan sina PEMS Heriberto Saguiped at PCMS Alraquib Aguel na kapwa mga nakatalaga sa naturang unit ng Taguig City Police.

Ayon kay Southern Police District Director PBGEN Roderick Mariano, nag-ugat ang naturang malagim na insidente sa ulam na sinigang na baboy.

Aniya, nangyari ito bandang alas-onse ng tanghali, oras ng pananghalian nang mag-amok si Aguel matapos malaman na sinigang na baboy ang ulam na niluto ng kanilang cook sa kadahilanang mahigpit na ipinagbabawal sa kanilang relihiyon ang pagkain ng karne ng baboy.

Sa gitna ng pagwawala ni Aguel ay sinubukan siyang pakalmahin ni Saguiped habang pumagitna naman si Sindac sa dalawa nang magtalo at magkainitan na ang mga ito hanggang sa bumunot na ng baril ang nag-aamok na pulis at pinagbabaril ang kaniyang mga kasamahan.

Samantala, sugatan din mula sa naturang insidente ang nagwawala sa galit na si Aguel nang kailanganin siyang patahimikin ni PCPL Jestoni Ceñaron isa pang pulis na nasa lugar noong oras na yun. .

Agad namang naisugod sa pagamutan ang tatlo matapos marespondehan ng iba pa nilang mga kasamahan ngunit hindi na nakaabot at dead on arrival na ang Saguiped nang dahil sa mga tinamong tama nito ng baril.

Kasalukuyan namang nasa kritikal na kondisyon ngayon si Sindac habang patuloy pa ring nagpapagaling si Aguel. // Mars