-- Advertisements --

(Update) DAGUPAN CITY – Hawak na ng mga otoridad ang dalawang suspeks na umano’y pumatay sa isang pulis sa San Carlos City, Pangasinan.

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni Lt. Col. Rollyfer Capoqian ng Police Regional Office 1, bigla na lang sumugod ang mga suspek na kagawad na sina Jose De Guzman, 59; at Diosdado Castro, 55, sa kanyang bahay at pinagbabaril ang kasamahan na nasawi.

Kinilala ang biktima na si Police Corporal Rogeron Ramirez, 39.

Batay sa inisyal na ulat, posibleng personal na galit ang motibo ng dalawa.

Nakatakda na ngayong sampahan ng kasong murder ang mga kagawad na salarin ng krimen.