-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Nagdadalamhati ngayon ang Police Regional Office o PRO-13 pati na ang pamilya matapos napatay ang isang pulis.

Nakilala ang nasabing biktima na si Pat Jennis Mark Encinas, miyembro ng CLass 2016-01 o PINAGSANIB class.

Magiting itong nakipag-bakbakan sa teroristang New People’s Army o NPA at killed-in-action nang inilunsad ang combat operation laban sa Communist Terrorist Group sa may Brgy. Buenavista, Tandag City, Surigao del Sur.

Nagpahayag rin ng pagluluksa ang pamilya sa nasabing pulis kung saan ayon komento ni Merly Madrid Avila sa Facebook, kahit na masakit ay pilit nilang tanggapin ang nangyayari.

Ayon pa nito na ikinararangal nila ang kaniyang pamangkin na nakikipag-away upang maprotektahan ang bansa. Kasabay nito ang sigaw na seryosong imbestigasyon at hustisya sa kinahihinatnan nito.