BUTUAN CITY – Binigyan ng hero’s welcome ng Police Regional Office (PRO)-13 ang pagdating sa bangkay ni Pat. Ronald Napalan, nadestino sa Tubod, Surigao del Norte nitong Lunes ng umaga.
Ang nasabing pulis ay napatay sa engkwentrong naganap sa Agusan del Norte kung saan kabilang ito sa pinagsanib na pwersa ng 29th Infantry Brigade, Philippine Army kasama ang 1302nd Maneuver Company at Technical Support Company ng Regional Mobile Force Battalion-13 laban sa mga rebeldeng New People’s Army (NPA).
Ayon kay P/Lt. Col. Christian Rafols, tagapagsalita ng PRO-13, rumesponde ang nasabing puwersa sa natanggap nilang impormasyon kaugnay sa presensya ng mga rebeldeng nangikil umano sa mga residente ng nasabing lugar, resulta sa naganap na engkwentro.
Ang tama sa kanyang ulo ang kumitil sa buhay ng nasabing pulis na kahapon ng hapon pa naibaba dahil sa sobrang layo at sa mahirap na terrain ng lugar kungsaan naganap ang bakbakan.