COTABATO CITY — Nasawi ang isang pulis matapos tamaan ng bala sa kanyang ulo sa naging girian ng dalawang grupo na nagresulta sa palitan ng putok ng baril sa Rosales St., Rosary Heights 6, Cotabato City alas-dos ng hapon ngayong araw ng Martes, Enero 2.
Kinilala ni Cotabato City Police station 2, Station Commander PMAJ AMIL ANDUNGAN Jr ang nasawing pulis na si PSSg ZAHRAMAN MUSTAPHA DIOCOLANO, nasa wastong taong gulang, may-asawa, residente ng Dalican, DOS, Maguindanao Del Norte, na nakatalaga sa Provincial Mobile Force Company sa Maguindanao Del Norte Provincial Office.
Ayon sa inisyal imbestigasyon ng kapulisan, Family Conflict sa pagitan ng pamilya ni DATU JHAM SINSUAT AT DATU LESTER SINSUAT ang nagkainitan at nagkagirian na nauwi sa insidente ng pamamaril ng dalawang panig sa kanilang family compound.
Agad naman rumesponde ang kapulisan sa nasabing pinangyarihan ng insidente, at nadakip ang apat na suspek na kinilalang sina PFC JOHN CARLO BRAVO NOCUM, trentay uno anyos, na taga San Jose, Nueva Ecija, na miyembro ng AFP na nakatalaga sa 2nd Mechanized Battalion, Datu Ali Ibrahim Mongkar, 21 yrs old, residente ng Dalican, Datu Oddin Sinsuat na parehong escort escort, kasama pa ang dalawa pang drayber na sina Jholex Padsod Buludan, 24 yrs old, at Roufden Angkad Ameril, 25yrs old, na pawang mga residente din ng Dalican, DOS, Maguindanao Del Norte.
Sa ngayon, patuloy pa ang malalimang imbestigasyon ng otoridad sa insidente.