-- Advertisements --

Patay ang isang pulis na sumasailalim sa basic swimming course sa National Capital Region Police Office (NCRPO).

Nangyari ang insidente kaninang tanghali sa NCRPO swimming pool sa Taguig City.

Nakilala ang biktima na si Police Corporal Adonis Serrano, 28, nakatalaga sa Police Community Precinct (PCP) 9 Marikina City Police Station.

Nakikipag-ugnayan na ang PNP sa pamilya ng biktima para mabigyan ng kaukulang tulong ang naulila ng nasabing pulis.