-- Advertisements --

Patay ang isang pulis sa nangyarin pamamaril sa labas ng Pentagon building.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Pentagon Force Protection Agency sa nangyaring pamamaril.

Nangyari ang insidente sa Metro Bus platform na hindi kalayuan sa Pentagon.

Magugunitang inilagay sa lockdown ang Pentagon matapos na umalingawngaw ang mga putok ng baril sa kalapit na gusali.

Pansamantalang natigil din ang operasyon ng mga transportasyon sa lugar dahil sa pangyayari.