-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Patay ang isang kasapi ng Philippine National Police sa pamamaril sa probinsya ng Sultan Kudarat.

Nakilala ang biktima na si Police Sergeant Alvin Capulot na nakatalaga sa Lebak Municipal Police Station sa Lebak Sultan Kudarat.

Ayon sa ulat ng Lebak MPS na nakatayo lamang ang biktima sa gilid ng kalsada sa Barangay Pasandalan Lebak Sultan Kudarat nang pagbabarilin ng riding in tandem suspects gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo.

Naisugod pa si Sgt Capulot sa Lebak District Hospital ngunit binawian din ng buhay nang magtamo ng tatlong tama ng bala sa kanyang katawan.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Lebak PNP sa pamamaril patay sa kanilang kasamahan.