CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang isang pulis sa pamamaril sa lalawigan ng Maguindanao.
Nakilala ang nasawi na si Corporal Henry Mangaser Olindo,44 anyos,may asawa,nakatalaga sa Municipal Police Station ng Lumbatan Lanao Del Sur at residente ng Barangay Rosary Heights 6 Cotabato City.
Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director Colonel Jibin Bongcayao na lulan ng motorsiklo ang biktima mula sa Cotabato City patungong Esperanza Sultan Kudarat.
Ngunit pagsapit ng pulis sa Sitio Abo Barangay Kauran Ampatuan Maguindanao ay bigla itong dinikitan ng riding in tandem suspects at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.
Mabilis na tumakas ang mga salarin patungo sa liblib na lugar sa bayan ng Ampatuan.
Marami ang naniniwala na mga myembro ng Liquidation Squad ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang pumatay kay Corporal Olindo.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Ampatuan PNP sa pamumuno ni Lieutenant Rey Samson sa pamamaril patay sa biktima.