CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang isang tauhan ng Philippine National Police (PNP) matapos barilin sa probinsya ng Sultan Kudarat.
Nakilala ang biktima na si Corporal (CPL) Norodin Bandala Salendab, nakatalaga sa 2nd Provincial Mobile Force Company sa Maguindanao Police Provincial Office at residente ng Purok 5 Barangay Sinakulay President Quirino Sultan Kudarat.
Ayon kay Sultan Kudarat Police Provincial Director Colonel Noel Kinazo na nakatayo lamang ang biktima sa gilid ng kalsada sa Purok 6 Brgy Sinalukay sa bayan ng President Quirino ng biglang dumaan ang isang pick-up at pinagbabaril ito ng mga sakay gamit ang M16 Armalite rifles.
Mabilis namang tumakas ang mga suspek patungo sa direksyon ng Tacurong City.
Patay on the spot si CPL Salendab nang magtamo ito ng maraming tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng President Quirino PNP sa pamamaril patay sa biktima.