-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Nahuli ang isang aktibong police officer sa isinagawang drug buy-bust operation dakong alas-dies kagabi sa P-3, Brgy Tiniwisan, nitong lungsod ng Butuan.

Nakilala itong si Patrolman Michael Montalban Salgarino, 31-anyos, residente ng P-8, Brgy Salvacion, Bayugan City, lalawigan ng Agusan del Sur at kasalukyang nadestino sa 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC) sa nasabing lalawigan.

Kasama sa nahuli ay sina Jun Jun Magarin Madjos, 30-anyos, binata may live-in partner, laborer at residente ng P-3, Brgy Tiniwisan nitong lungsod at si Joel Sabaldan Fernandez, 25-anyos, binata, walang trabaho at residente ng IRA Housing ng Brgy Baan KM3 nito ring lungsod.

Nakuha mula sa mga suspetsado ang dalawang heat-sealed transparent plastic sachet na laman na suspected shabu na ang isa ay syang buy-bust item; 500-pesos na buy bust money, 30 piraso ng plastic transparent cellophane; at isang improvised needle.

Sa kabuuan, nakuha nakuha mula sa mga suspetsado ang 10.705 gramo ng suspected shabu na nagkakahalaga ng P72,794.00.

Ayon kay Butuan City Police Office Office in Charge PCOL Rommel Villamor, maliban sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o comprehensive drug act of 2002, kakaharapin dinng nasabing pulis ang kasong administratibo na kung mapatunayang guilty ay maaaring ma-dismiss ito sa serbisyo.