-- Advertisements --

BACOLOD CITY – Patay ang isang pulis matapos barilin habang ito ay nagmamaneho ng motorsiklo sa Rosario Street, Barangay 38, Bacolod City kahapon ng hapon.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Police Major Ramel Sarona, station commander ng Bacolod Police Station 1, ang biktima ay kinilalang si Police Staff Sergeat Joseph Nepomuceno, 37-anyos at assigned sa Bacolod City Police Office-City Drug Enforcement Unit.

Ayon sa mga nakasaksi, nakasakay sa motorsiklo ang mga suspek sa krimen.

Nagtamo ng apat na tama sa iba’t ibang parte ng katawan si Nepomuceno at agad na dinala sa ospital ngunit dineklarang dead on arrival kahapon ng hapon.

Sa ngayon patuloy pa ang imbestigasyon ng kapulisan sa identity ng suspect at motibo sa krimen.