-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Nahuli ng mga tauhan ng Buenavista Municipal Police Station kasama ang Provincial Intelligence Team Agusan del Norte; Regional Intelligence Unit (RIU) 13; at ng Intelligence Group, Counter Intelligence Division (IG-CID) ang isang wanted na pulis sa Purok 8, Sitio Tinago, Barangay Matabao, Buenavista, Agusan del Norte kahapon.

Nakilala ang nahuli na si alias “Demrick”, 29-anyos, binata at miyembro ng Philippine National Police o PNP, na kasalukuyang na-assign sa Butuan City Police Station 5, at residente sa lugar kungsaan siya nahuli.

Ito ay base sa warrant of arrest sa kasong frustrated homicide na may inirekomendang pyansa na aabot sa P72,000.

Ayon sa Agusan Del Norte Police Provincial Office, hindi nila ito-tolerate ang kahit na anumang mga criminal activities, kahit ano pa man ang affiliation nila sa Philippine National Police (PNP).