-- Advertisements --
ILOILO CITY – Nagpapatuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa pagbaril umano ng isang pulis sa kanyang sarili sa Barangay Alalasan, Lapuz, Iloilo City.
Ang biktima ay si Police Staff Sergeant Jerry Bayabay, 40, nakadestino sa Sta. Barbara Municipal Police Station, may asawa at may isang anak na babae.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Barangay Kagawad Sonia Porras, sinabi nito na ang pulis mismo ang nagbaril sa kanyang sarili kung saan nagtamo ito ng sugat sa ulo na sanhi ng kanyang pagkamatay.
Posible rin anya na aksidente lang ang nangyari.