-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Nasa kustodiya na ng Koronadal PNP ang pulis na umano’y ng bugbog-patay ng kaniyang asawa.

Sa esklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay P/Lt.Col Joefel Siason, hepe ng Koronadal City PNP, sumuko mismo ang suspek na si PCpl. Edwin Jabagat sa kaniyang mga kasamahan.

Ayon kay Siason, kapag napatunayang napatay nito ang misis ay mahaharap ang opisyal sa kasong parricide.

Tiniyak naman nito ang kaligtasan ni Jabagat sa kulungan matapos nakatanggap ito ng impormasyong bubugbogin umano ito ng mga inmates.

Kung maalala, sumakit umano ang ulo hanggang sa mamatay ang kaniyang asawa na si Davy Joy dahil sa pagtitiis sa pambububog ng kaniyang mister.

Sa ngayon nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga kapulisan hinggil sa totoong dahilan ng pagkamatay ng asawa nito.