LA UNION – Pinuri ang isang tricycle driver na nagsauli ng mahahalagang dokumento at pera na naiwan ng pasaherong pulis.
Ang honest driver ay nagngangalang Domar Espiritu, 26, binata, residente ng Barangay Sevilla, San Fernando City at nagmamaneho ng traysikel na may body no. 1605
Ayon kay Espiritu, tatlong beses niyang inikot ang old market kung saan bumaba ang policewoman ngunit nabigo itong makita, kung kaya’t dumiretso na lang ito sa Bombo Radyo La Union broadcast center para maibalik ang folder sa pulis.
Labis naman ang pasasalamat ni M/Sgt Vilma Pattal at nang buong Santol Police Station kay Espiritu matapos maibalik ang nasabing folder.
Aniya, dumami pa sana ang katulad ni Espiritu na driver.
Aminado si Pattal na naglalaman ng mahahalagang files ng pulisya at may cash money pa ang naturang folder.