-- Advertisements --

Patay ang isang police sa London matapos na barilin ng lalaking nakakulong.

Ayon kay Metropolitan Police Commissioner Cressida Dick, nangyari ang insidente sa Croydon Custody Center sa south London.

Dinala pa sa pagamutan ang police na nabaril subalit nasawi rin ito dahil sa sugat na tinamo.

Nasa kritikal naman ang kalagayan ng 23-anyos na suspek na lalaki matapos barilin din ito ng mga rumespondeng pulis.

Dagdag pa nito na isang nakakagulat ang pangyayari dahil madalang ang insidente ng pamamaslang sa mga kapulisan.

Nagpaabot naman ng pakikiramay si British Prime Minister Boris Johnson sa kaanak ng pulis na napatay.

Huling insidente ay noong 2017 ng pagsasaksakin ng suspek na si Keith Palmer isang pulis sa British Capital.