-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Hinuli ng mga otoridad ang kanilang kabaro sa kasong panggagahasa sa lalawigan ng Maguindanao.

Ang suspek ay may ranggong Police Master Sergeant na nakatalaga sa Maguindanao.

Ayon kay Parang Chief of Police Major Dan Espinosa, na naganap ang panggagahasa sa loob mismo ng Regional Special Training Unit o RSTU PRO-BAR sa Making Parang Maguindanao.

Dahil sa sobrang kalasingan ay ginahasa ng suspek ang 32 anyos na babae na nagtratrabaho sa resto bar.

Sa ngayon ay nakapiit na ang suspek sa costudial facility ng Parang MPS at sinampahan ng kasong rape.