-- Advertisements --

Inaresto ang isang babaeng pulis sa lungsod ng Malabon makaraang mahuling nagpaputok ng kanyang baril sa kasagsagan ng pagsalubong sa bagong taon.

Ayon kay PNP spokesperson Brig. Gen. Ildebrandi Usana, may isang concerned citizen ang nagsumbong sa pulisya tungkol sa pagpapaputok ng baril ng isang pulis sa kanilang lugar.

Matapos matanggap ang impormasyon, dinakip ng kanyang mga kabaro ang naturang pulis.

Itinurn-over na rin aniya nito ang ginamit na firearm, at posible raw na masibak ito sa serbisyo dahil sa insidente.

Sa kabila nito, sinabi ni Usana na naging mapayapa sa pangkalahatan ang pagdiriwang ng bagong taon.