-- Advertisements --

BACOLOD CITY – Isang malungkot na Pasko ang sumalubong sa pamilya Diasanta sa lungsod sang Talisay, Negros Occidental matapos matrap ang kanilang anak na pulis sa nasusunog na bahay kaninang umaga.

Ayon kay Fire Senior Inspector Jovelyn Zamar, fire marshal sa Talisay City Fire Station, nasa simbahan sina Uldarico at Virginia Diasanta at natutulog naman sa kanyang kwarto si PO2 Joeber Diasanta ng mag-umpisa ang apoy sa living room ng kanilang bahay, alas-6:00 kaninang umaga.

Nakalabas sa kabilang kuwarto ang kapatid ng pulis ngunit malaki na ang apoy.

Kumuha pa ng tubig ang kapatid ng biktima at sinubukang sabuyan ang apoy ngunit hindi na nito nakayanan ang init.

Nadinig din ang paghingi ng tulong ni PO2 Joeber ngunit hindi na ito nakalabas sa kanyang kwarto hanggang sa siya ay nasunog.

Ang 36 anyos na pulis ang assigned sa Silay Ciy Police Station.

Ito ay may asawa at mga anak, habang nakabakasyon naman sa Barangay Ma-ao, Bago City ang misis nito ng nangyari ang trahedya.

Ang biktima ay umuwi sa kanilan bahay sa Talisay City kahapon dahil hinatid nito ang sasakyan na gagamitin ng kanyang magulang papunta sa simbahan kaninang madaling araw.

Ayun sa fire marshal, lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na nag-umpisa ang sunog sa napabayaang kandila sa living room ng pamilya Diasanta dahil wala pading supply ng kuryente sa lungsod magmula ng tumama ang bagyo Odette.

Kasabay nito, nagpaalala naman si Zamar na mag-ingat at huwag iwan ang nakasinding kandila.

Ayun dito, ang sinindihang kandila ang dapat na ilagay sa loob ng baso o lata at huwag sa plastic at ilayo din ito sa kurtina para makaiwas sa sunog.