LEGAZPI CITY – Nagtamo ng sugat at gasgas sa katawan ang isang pulis sa isang quarantine checkpoint matapos itong banggain ng isang kotse.
Nakilala ang biktima na si PCpl. Jovencent Balasulla, 31, nakadestino sa Legazpi City PNP.
Sa impormasyon mula kay PCpt. Dexter Panganiban ng Albay Police Provincial Office, nangyari ang insidente sa bahagi ng Rizal Street sa lungsod ng Legazpi sa harap ng Bicol University.
Nabatid na may kausap itong driver ng motorsiklo ng dumating ang isang berdeng kotse na minamaneho ni Cesar Raymund Belen, 57, residente ng Brgy. 13 Ilawod West.
Galing ito sa lungsod at patungo sana sa bayan ng Daraga ng mabangga ang pulis na nagtamo ng mga sugat sa katawan.
Samantala, hawak na ngayon ng mga otoridad ang naturang suspek matapos agad na maaresto.