-- Advertisements --

BOMBO BUTUAN – Natagpuang wala nang buhay at naliligo sa kaniyang sariling dugo ang isang pulis matapos umanong aksidenteng nabaril ang sarili sa kaniyang pistola sa nakaraang alas 9:00 ng umaga sa may Purok 6, Brgy. Poblacion, Barobo, Surigao del Sur.

Nakilala ang biktima na si Police Master Seargent Ale Chan Urbiztondo, 40 anyos, residente sa nasabing lugar at nadestino sa Barobo Municipal Police Station.

Napag-alamang daling rumisponde ang kawani ng Barobo Municipal Police Station matapos ipinaabot ang nasabing insedente na naganap sa ikalawang palapag sa kaniyang bahay. Aksidente umanong pumutok ang short firearms na Taurus TS9 caliber 9mm habang ito ay nililinis ng biktima.

Nadatnan sa nag-responding mga kasamahan ang biktima na mata tama sa baril sa ulo habang nakita ang pistola sa ibabaw ng lamesa.

Sa ngayon ay patuloy rin na ini-imbestigasyon ang nasabing pangyayari.