Arestado ang isang pulis na miyembro ng Drug Enforcement Unit (DEU),Candelaria Municipal Police Station, Quezon Police Provincial Office sa isinagawang entrapment operation ng mga tauhan ng PNP Counter Intelligence Task Force (CITF) kahapon June 9,2018.
Kinilala ni CITF Commander, PSSupt. Romeo Caramat ang naarestong pulis na si PO2 Robbin Robiso na inaresto mismo sa loob ng kaniyang bahay sa Barangay Pagasa, Dasmarinas, Cavite.
Inaresto ang suspek matapos tranggapin ang ang marked money na P10,000.00 mula mismo sa complainant.
Nag-ugat ang reklamo sa nasabing pulis ng sabihin nito sa biktima na narekober nito ang kaniyang nawawalang armas pitong buwan na ang nakakalipas.
Inakusahan ni PO2 Robiso ang complainant na kakuntiyaba sa pagnanakaw at pagbebenta ng armas batay sa isang pag-uusap sa Facebook sa pagitan ng seller ng armas at ng complainant.
Nakakuha ng video ang CITF kaugnay sa extortion activity ng sangkot na pulis.
Nakatakdang sampahan ng kasong kriminal at administratibo si Robiso.