-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Sugatan ang isang myembro ng Philippine National Police (PNP) sa nangyaring pagsabog sa Maguindanao.

Ang biktima ay tauhan ng Ampatuan Municipal Police Station ng Ampatuan Maguindanao.

Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director P/Colonel Ronald Briones na nagresponde lamang ang Ampatuan MPS sa kasamahan nilang hinaras ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan sa Sitio Malasing Brgy Salman Ampatuan Maguindanao nang sumabog ang isang Improvised Explosive Device sa gilid ng kalsada at tumama sa sinakyan nilang mahendra Patrol Car.

Tinamaan ang isang pulis sa kanyang likod at braso at agad dinala sa Maguindanao Provincial Hospital at nasa ligtas ng kalagayan.

Mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang itinuro ng mga otoridad na suspek sa sumabog na IED kung saan kasabay rin ito ng pagsalakay ng mga rebelde sa Cafgu outpost sa Brgy Kauran Ampatuan Maguindanao.

Sa ngayon ay hinigpitan pa ng militar at pulisya ang seguridad sa Maguindanao sa sunod-sunod na pag-atake ng BIFF.