Ibinunyag ng controversial police colonel na si Jovie Espenido sa Quad Committee na dahil sa quota at reward system inabuso ng mga pulis ang kanilang kapangyarihan na humanong sa paglabag sa karapatang pantao ng mga libu libong mga biktima.
Ito ang sagot ni Espenido sa pagtatanong ni Ako Bicol Rep. Raul Angelo “Jil” Bongalon.
Inihayag ni Espenido na nakakalungkot na maraming mga inosenteng sibilyan ang namatay dahil sa pang aabuso ng mga pulis sa kanilang otoridad.
Binigyang-diin ni Espenido na ang mga taong naka paligid kay dating Pangulong Rodrigo Duterte ay gahaman sa pera at sa posisyon.
Dagdag pa ni Espinido na nakaka-awa ang mga naging biktima para lamang makatanggap ng reward.
Naniniwala si Espenido na may paglabag sa karapatang pantao sa drug campaign ng Duterte administration.
Batid din ni Espenido na sa kasagsagan ng madugong drug war marami ang nag protesta laban sa paglabag sa karapatang pantao.