-- Advertisements --

Hiniling na ng pulisya ang pagsasailalim sa suspect sa Antipolo bakery massacre sa drug test.

Ayon kay Rizal Police Provincial Office (Rizal PPO) Director Col. Felipe Maraggun, layon nito na matukoy ang mental state ng suspect na pumatay sa pitong tauhan ng isang bakery sa Antipolo.

Sa isang panayam ay sinabi ni Maraggun na kanilang sisilipin at susuriin ang lahat ng anggulo ng kaso.

Sumasailalim na rin aniya sa masusing eksaminasyon ng Philippine National Police (PNP) Forensics Group despite ang lugar na pinangyarihan ng krimen.

Sa kabila ng kooperasyon na ipinamamalas ng suspect ay duda pa rin ng PNP kung mag-isa nga nitong ginawa ang krimen.

Hinihintay na lamang aniya nila ang forensics group’s approval.

Bukod dito ay tinitinggan rin ng pulisya ang anggulo na pinatulog muna ng suspect ang mga biktima sa pamamagitan ng paglalagay ng pampatulog sa inumin bago isinagawa ang krimen.