GENERAL SANTOS CITY – Naghigpit pa ng seguridad ang pulisya sa Region 12 matapos mahuli kahapon ang lider ng Committee front 73 ng New People’s Army (NPA).
Sinabi ni Lt. Col. Teody Condesa, spokesperson ng Sarangani Provincial Police Office matapos inatasan ni Sarangani Provincial Police director Col. Rex Gurat ang buong hanay ng pulisya para bantayan ang posibleng retaliation ng grupong New People’s Army.
Una rito, nabaril umano ng pulisya si Nicanor Pason o Kumander Yoyong, Kumander Ronron ang lider ng NPA na may area of responsibility sa probinsya ng Sarangani, Davao Occidental at South Cotabato.
Nasita ang nasabing NPA lider sa checkpoint nang papuputukin sana ang dala nitong granada nang mapahinto sa police checkpoint sa Kalaong, Maitum, Sarangani province.
Sugatan ang nasabing kumander ng dinala sa pagamutan habang nahuli naman sina Bernardo Presbetero 51 ng Polomolok, South Cotabato; Josephine Sumagaysay, 53, at Reynaldo Loyola, 47, pawang mga residente ng Barangay Sayon, Maitum, Sarangani na armado rin ng granada na hawak na ngayon ng pulisya.