All set na ang Cebu City Police Office sa gaganaping bar examination nitong lungsod ng Cebu at nakahanda nang ideploy ang hindi bababa sa 100 na tauhan para masiguro na mapayapa ang pagsasagawa nito.
Isasagawa ang eksaminasyon ngayong November 9, 13, 16, at 20 kung saan kabilang sa dalawang venues sa Cebu ay ang University of San Carlos – Law school at University of Cebu – Banilad campus.
Sa inilabas na pahayag ni Police Regional Office 7 Director Police Brigadier General Roderick Augustus Alba, siniguro nitong mas handa umano sila ngayon dahil hindi ito ang unang pagkakataon na gaganapin ang bar exam sa Cebu.
Dagdag pa ni Alba na may tiwala naman ito sa kakayahan ng kanyang mga tauhan na maisagawa nang maayos ang kanilang mga trabaho.
Samantala, maaga namang inabisuhan ang publiko na posibleng magsara ng kalsada at maaaring ipatupad ang rerouting scheme sa mga araw ng bar exam.
Mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagbusina ng anumang sasakyan malapit sa dalawang venue.