NEGROS ORIENTAL – Ibinunyag ng Negros Oriental Police Provincial Office na kulang pa umano ng nasa mahigit 300 tauhan ng pulisya ang kanilang ipapakalat para magbantay sa nalalapit na 2025 national and local elections.
Kinumpirma ito ni spokesperson PLt Stephen Polinar sa eksklusibong panayam ng Star Fm Cebu at sinabing naghihintay pa sila ng karagdagang reinforcement mula sa Police Regional Office – NIR kung bibigyan sila ng karagdagang tauhan.
Kasunod na rin ito ng transition mula sa Police Regional Office-7 patungong Police Regional Office-Negros Island Region (PRO-NIR).
Sinabi pa ni Polinar na mayroon din naman umano silang alternatibong opsyon para madagdagan ang kulang na variant para sa halalan ngayong taon.
Sa kasalukuyan, wala naman umano silang na monitor na banta kaugnay sa nalalapit na eleksyon ngunit patuloy naman ang kanilang isinagawang intelligence gathering at monitoring hinggil sa seguridad at assessment ng buong lalawigan.
Dagdag pa nito na nagkaroon sila ng buong kooperasyon at koordinasyon sa Commission on elections at iba pang law enforcement unit hinggil sa paghahanda para sa May 2025 election.