Naglunsad na ng manhunt ang pulisya sa South Africa upang tugisin ang mga pumaslang sa siyam na illegal miners na binato raw hanggang sa mamatay sa bahagi ng Johannesburg.
Natagpuan na lamang sa Lesotho ang mga labi ng mga minero, na kilala bilang “zama zamas”, habang nasa ospital naman ang isang biktima na kritikal ang kondisyon.
Ayon kay Gauteng Provincial Commissioner Lt. Gen. Elias Mawela, mariin nilang kinokondena ang nasabing pag-atake sa mga minero.
“We condemn this barbaric attack and we will ensure we leave no stone unturned in making the people of Matholeville and Roodepoort to feel safe,” pahayag ni Mawela.
“The suspects will be arrested as soon as possible and the police will not sleep until we find them,” dagdag nito.
Ipinatawag na rin ng police chief ang mga opisyal mula sa ibang units sa Johannesburg upang sumali sa pagtugis.
Ang naturang pag-atake ay kasunod ng pagsalakay naman ng mga pulis sa area.
Bagama’t naaresto ng mga kinauukulan ang 87 katao para sa interogasyon, mangangalap pa raw sila ng karagdagan pang impormasyon. (BBC)