BUTUAN CITY – Umabot sa 40 mga baril na pagmamay-ari sa isang security agency ang nasa kustudiya ngayon ng pulisya para sa safe keeping matapos ang tensiyon naganap nang isinara ang isang mining company sa may Claver, Surigao Del Norte.
Ayon kay Police Major Dorothy Tumulac, Spokesperson ng Surigao Del Norte Police Provincial Office na kasama lamang ito sa pagtitiyak ng kapayapaan sa lugar.
Kasama sa hakbang na ginawa ng pulisya ay ang temporaryong pagtake-over nito sa Claver Mineral Development Corporation o CMDC matapos itong ipinasara ng lokal na pamahalaan dahil sa pag-expire sa kanilang Mineral Production Sharing Agreement.
Titiyakin naman sa nasabing team ng pulisya na walang aktibidad ng magaganap sa nasabing kompanya hangga’t walangy permit na ilalabas ang LGU-Claver.
Ang tanging inaprubahan lang na aktibidad sa nasabing mining company ay ang care and maintenance nito.