GENERAL SANTOS CITY – Pulitika ang tinitingnang motibo ng alkalde ng bayan ng Polomolok South Cotabato sa pamamaril sa dating municipal councilor na naging private secretary nito ngayon.
Kinilala ang biktima na si Rhyolite Balili, legal age na residente ng Poblacion, Polomolok.
Ayon kay Polomolok Mayor Bernie Palencia, posibleng pulitika ang motibo sa pamamaril kung saan sa kanyang tingin ay tila mensahe ito sa kanya ng mga kalaban niya sa pulitika.
Aniya, maaari ring siya ang target ng mga suspek.
Nanawagan ang alkalde ng hustisya para kay Balili at sinabing andam itong magbigay ng P500,000 pabuya para sa makapagtuturo sa mga suspek.
Nabatid na binaril ang biktima sa loob ng kanyang sasakyan na nakaparada sa gate 3 ng Municipal Plaza ng Polomolok.
Ngayon ay nasa ligtas ng kalagayan ang biktima na nasa pagamutan dito sa Gensan City.