-- Advertisements --
Pumanaw na ang sikat na author na Cormac McCarthy sa edad na 89.
Kinumpirma ito ng kampo nito na ang sanhi ng kamatayan ay dahil na rin sa edad habang ito ay nasa kaniyang bahay sa Santa Fe, New Mexico.
Umabot sa anim na dekada ang paggawa nito ng mga libro kung saan karamihan sa mga libro nito ay ginawa pang pelikula.
Ilan sa mga libro na kaniyang ginawa ay ang “The Road”, “No Country for Old Men” na nagwagi ng Pulitzer Prize.