-- Advertisements --
Screenshot 2019 07 01 09 25 50
Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte

Binigyan-diin ni Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte na hindi pa tapos ang laban sa speakership race.

Ito ay sa kabila ng endorsement ng kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte sa term sharing Nina Taguig City Rep. Alan Peter Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.

Sa text message na ipinadala ni Paolo, sinabi rito na mayroong isa sa tatlong speaker aspirant ang may balak na magkudeta sa mismong araw ng paghalal ng susunod na lider ng Kamara.

Ginawa ng nakababatang Duterte ang pahayag matapos tanungin kung interesado siyang maging chairman ng Committee on Legislative Franchise.

Pero hindi aniya ito pinag-uusapan sa ngayon sapagkat may halalan pa ngang magaganap sa speakership post sa darating na Hulyo 22.