-- Advertisements --

Nakatakdang magsagawa ng emergency meeting ang mga world leaders mula sa Group of 7 (G7) countries bukas, August 24 na nakasentro sa kinabukasan ng Afghanistan matapos na mapasakamay ng militanteng grupong Taliban ang bansa.

Tatalakayin din ng mga world leaders ang nagpapatuloy na evacuation sa mga mamamayan na nais na lisanin ang bansa.

Planong hikayatin naman ni UK Prime Minister Boris Johnson si US President Joe Biden na manatili ang American forces sa Afghanistan habang nagpapatuloy pa ang mga evacuation flights.

Target ng US na pabalikin na ang kanilang military troops sa katapusan ng Agosto habang ang UK government naman walang itinakdang araw sa withdrawal ng kanialng mga sundalo.

Nasa mahigit 100 Armed forces personeel ng UK ang nakadeploy sa kabul.