-- Advertisements --
Tinawag na “serious ang constructive” ng Qatar, Egypt at US ang resulta ng ceasefire talks.
Sa inilabas na pahayag ng mga nasabing bansa na nagsilbing mediators, na ang dalawang panig na Israel at Hamas ay nabigyan ng magandang proposals.
Ilan dito ay matatanggal na ang puwang sa bawat partido na hindi nasisira ang prinsipyo ng dalawa.
Nagkaroon lamang ng kaunting adjustments sa orihinal na proposal na iminungkahi noon ni US President Joe Biden.
Nakatakda rin muling magpulong ang dalawang panig sa susunod na linggo sa Cairo para pag-usapan ang ilang nilalaman ng kasunduan.