-- Advertisements --

Naging mainit ang pagpupulong ng mga opisyal ng United Kingdom at Russia.

Nasa Russia kasi si UK Foreigne Minister Liz Truss kung saan sa pagpupulong ay hinikayat nito ang Russia na tanggalin na nito ang kanilang sundalo sa border nila ng Ukraine.

Subalit tila nagalit si Russian Foreign Minister Sergei Lavrov na dapat ay hindi nag-uutos si Truss habang ito ay nasa kanilang bansa.

Nagmatigas naman na sinagot ng British official at sinabing hindi kinikilala ng Great Britain ang soberanya ng Russia sa mga rehiyon na nasasakupan nito.

Naibsan lamang ang tensyon ng dalawa ng awatin ito ng ilang mga opisyal ng magkabilang panig.

Magugunitang kabilang ang UK at US sa patuloy na nananawagan ng Russia na dapat alisin na nito ang mga sundalo sa border nila ng Ukraine.