Maituturing na kapaki-pakinabang at produktibo ang pulong sa pagitan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pulong nila ni Chinese Foreign Affairs Minister Qin Gang,dahil nagawa nilang maplantsa ang mga maling pakahulugang pahayag sa pagitan ng Pilipinas at China.
Binigyang-diin ni Pang. Marcos Jr., na kanilang pulong ay isang pagkakataon para mabigyang linaw ang pahayag na maling pakahulugan sa pagitan ng Pilipinas at China.
” So today, it was really useful that we were able to speak with Minister Qin Gang, the Foreign Minister of China, so we can talk directly to one another and iron things out,” pahayag ng Pangulong Marcos.
Malugod na tinanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Chinese Foreign Minister Qin Gang sa Palasyo ng Malakanyang kung saan kanilang pinag-usapan ang kooperasyon ng Pilipinas at China sa larangan ng edukasyon, kultura, ekonomiya, at iba pa.
Napagkasunduan sa pulong na magtatag ng iba pang komunikasyon para sa maayos na pagresolba ng mga isyu na namamagitan sa dalawang bansa sa West Philippine Sea.
“It’s very, very useful and very, very productive that Minister Qin came here and that we were able to talk things a little bit through, make plans for the future, continue to work on growing the relationship between the Philippines and China,” wika ng Pang. Marcos.
Magugunita na naging kontobersiyal ang pahayag ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian kaugnay sa pagtatatag ng apat na bagong karagdagang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites na magbibigay sa mga tropang Amerikano ng access sa mga base militar ng Pilipinas.
Kasama din si Huang sa pulong kagabi sa Palasyo ng Malacanang.
Bago pa ang pulong ng Pangulong Marcos kasama si Qin, nakipag-usap muna ito sa Chinese envoy.