-- Advertisements --

Naging mainit ang pag-uusap nina US President Donald Trump at Ukrainian President Volodymyr Zelensky.

Nasa White House ang Ukrainian President para sana pumirma ng mineral deal sa US.

Kasama sa loob ng pulong sa Oval Office si US Vice President JD Vance kung saan binatikos nito si Zelensky sa pagiging agresibo sa paghingi lagi ng tulong.

Hindi man lamang umano nagpasalamat ang Ukrainian President sa mga tulong na naibigay ng US kahit na ang ikinampanya nito sa nagdaang US Election ay ang katunggali ni Trump na si dating US Vice President Kamala Harris.

Nagpalitan naman ng salita sina Zelensky at Trump kung saan sinisi pa nito ang Ukrainian President na siya ang nagpapalala sa kaguluhan nila sa Russia.

Dahil sa naging tensyon sa loob ng Oval Office ay hindi na natuloy ang news conference ng dalawang lider ng bansa at maging ang nakatakda sanang pirmahan ng mineral deal.

Magugunitang inakusahan ni Trump si Zelensky na siya ang nagpasimula ng pag-atake sa Russia.