Itinanggi ng Pulse Asia Research Inc. na naglabas na sila ng resulta ng presidential survey para sa buwan ng Marso.
Ipinahayag ito ng Pulse Asia sa isang statement sa gitna ng pagkalat ng nasabing survey results sa social media sa pamamagitan ng isang instant messaging platforms.
Muling iginiit nito na tanging sa kanilang official website lamang nila sila maglalabas ng opisyal na resulta ng kanilang survey.
Sa nasabing pekeng Pulse Asia survey ay makikita ang isang larawan ng umano’y resulta ng survey na isinagawa raw mula Marso 10 hanggang Marso 15.
Samantala, sa ngayon ang pinakahuling opisyal na resulta ng survey ng Pulse Asia ay ang mga isinagawa noong Pebrero 18-23 na inilabas noong unang bahagi ng buwang ito.
Una nang sinabi ni Pulse Asia Research Director Ana Maria Tabunda na hanggang sa buwan ng Abril lamang magsasagawa ng mga survey ang kanilang kumpanya.