-- Advertisements --
Lumobo na sa 14,662 ang persons under monitoring(PUMs) sa Central Visayas ayon sa inilabas na data ng Department of Health Regional Office (DOH-7).
Umabot na rin sa 23 ang kaso ng may Severe Acute Respiratory Infection (SARI) habang 288 naman ang may influenza-like illness.
Samantala, sa inilabas naman na resulta sa COVID-19 tests ng Vicente Sotto Memorial Medical Center ngayong araw, 25 sa 31 ang negatibo sa nasabing virus.
Hinihintay naman ang kumpirmasyon sa magiging resulta ng natitirang anim na pasyente.
Nagpaalala naman si Department of Health-7 Regional Director Dr. Jaime Bernadas sa publiko na manatili na lamang sa loob ng bahay at panatilihin ang social distancing.