-- Advertisements --

CAUAYAN CITY -Ikinagulat ng isang retiradong City Councilor ang biglaang pagpanaw ni Sanguniang Panlunsod Member Rene Uy.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay dating City Councilor at ngayo’y Executive Assistant 2 ng LGU Cauayan City Eugenio Asirit na sa Bombo Radyo Cauayan nalaman pagkamatay ng dati niyang kasamahan sa konsehal dahil sa karamdaman.

Anya kagigising lamang niya at ng buksan niya ang kanilang radyo ay saka lamang niya nalaman na pumanaw na si SP member Uy.

Bagamat batid umano niya na may karamdaman ang konsehal ay hindi umano niya inakala na malala.

Itinuturing rin ni Asirit si SP member Uy na malaking kawalan sa panlunsod na konseho dahil sa galing nito sa pagbalangkas sa mga ordinansa at sa mga maaari pa sana umano nitong maibahagi nito sa konseho.

Sinariwa rin ni Dating SP member Asirit ang pagsasama nila ni SP member Uy sa Konseho ng 9 na taon kabilang dito ang pagpuna umano nito sa mga pagkakamali ng kanilang kasamahan kahit na sila ay magkakaalyado.

Inihayag naman ni SP member Bagnos Maximo Jr. Na bagamat bago pa lamang siya ay nakita na niya ang galing ng yumaong Konsehal.

Samantala kapansin-pansin na ang pagkaka-half mast ng bandila ng pilipinas bilang simbolo ng pagluluksa ng pamahalaang lunsod ng Cauayan sa pag panaw ng isang mabuting konsehal ng lunsod.