CAGAYAN DE ORO CITY – Maalaga at kusang mapagbigay sa kanyang kapwa ang kontrobersyal na dating komisyoner ng Commission on Elections (Comelec) na si late Atty. Virgilio Garcillano na inaakusahan na nasa likod ng ‘Hello Garci scandal’ noong kasagsagan ng 2004 presidential elections sa bansa.
Ganito ang paglalahad ng kanyang maybahay na si Gresilda Garcillano nang maabutan ng Bombo News Team na nakabantay sa burol ng dating opisyal sa Saint Peter’s Chapels sa Barangay Lumbia,Cagayan de Oro City.
Sinabi ni Ginang Garcillano na taliwas sa pagsalarawan ng iilan, malaking salungat umano ang pinagsasabi ng iba dahil mabait ang kanyang asawa at madaling malapitan ng kanilang mga kaanak at kapitbahay sa hometown nito sa Barangay Imbatug,Baungon,Bukidnon.
Salaysay nito na ang kawalan umano ng hangin ayon sa mga manggagamot na nagkukumahog na mailigtas si Atty.Garcillano ang dahilan na hindi na naisalba ang buhay nito nang masugot sa pagamutan noong Sabado ng gabi.
Kinompirma ng maybahay nito na biglang bumagsak sa loobn ng kanilang comfort room ang 87 anyos na si Garcillano at hindi na naisalba ang buhay.
Nakatakdang ihahatid ng kanyang huling hantungan ang dating poll body official sa katabi na pribadong sementeryo kung saan ito kasalukuyang nakaburol.
Magugunitang nagsimula ang kontrobersya ni Garcillano dahil itinuro ito na nakipagsabwatan kay dating pangulo at kasalukuyang Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo upang maisuguro ang panalo sa 2004 presidential elections laban sa yumaong si late TV action star Fernando Poe Jr.
Napag-alaman na napilitang nagtatago sa ibang bansa si Garcillano at bumalik lang sa Pilipinas nang tuluyang humupa ang init ng isyu.