-- Advertisements --

Dinagdagan pa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang bilang ng mga papasada sa Metro Manila.

Ayon kay LTFRB chairmana Martin Delgra, na patuloy ang pagdadagdag ng gobyerno ng mga pumapasadang pampasaherong sasakyan ganun din ang pagdagdag sa mga pasaherong sumasakay.

Hanggang sa susunod na mga linggo ay madadagdagan pa ang mga ito.

Nitong Martes lamang aniya ay binuksan na ang karagdagang 44 na ruta para makapagpasada na ang halos 5,000 na mga public utility jeepney sa Metro Manila.

Ibinalita rin nito na sa mga susunod rin na mga araw ay bubuksan ang mga ruta ng mga bus sa Metro Manila at Davao City para lalong dumami pa ang mga masakyan ng mga pumapasok sa kanilang trabaho.