-- Advertisements --

Mayroon lamang limang porsiyento sa mahigit na 21,000 ang pumasa sa pagsusulit ng Philippine Military Academy Entrance Exam (PMAEE).

Ayon sa PMA na mayroong 1,099 sa kabuuang 21,796 o katumbas lamang ng limang porsyento ang pumasa.

Isinagawa ang PMAEE sa ibat-ibang lugar sa bansa mula Agosto 10 hanggang Setyembre 22.

Sasailalim ang mga ito sa serye ng cadet admission screening na kinaibibilangan ng physical, medical at neuropsychiatry exam.

Isasagawa ito sa Armed Forces of the Philippines Medical Center in Camp Victoriano K. Luna., V. Luna Avenue, Quezon City.