-- Advertisements --

CALIFORNIA, USA – Nagtamo ng ilang sugat sa katawan ang 75-anyos na suspek sa pagpatay kay dating US Sen. Robert Kennedy matapos pagsasaksakin ng kapwa bilanggo sa San Diego.

Batay sa ulat ng Department of Corrections and Rehabilitation, naitala ang insidente sa Richard J. Donovan Correctional Facility.

Agad naman daw naka-responde ang mga opisyal ng kulungan at isinugod sa malapit na ospital ang sinitensyahang salarin.

Sa ngayon, ihiniwalay na raw ng pasilidad ang hindi pa pinangalanang preso.

Maayos na rin umano ang lagay ni Sirhan habang iniimbestigahan ang insidente.

Noong June 6, 1968, sinentensyahan ng panghabang buhay na pagkabilanggo si Sirhan nang barilin si Robert Kennedy sa Ambassador Hotel sa Los Angeles matapos manalo nito bilang senador.