-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Bilang pagtalima sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte, inatasan ngayon ng barangay council ng poblacion Kalibo, Aklan ang lahat ng mga establishimento komersiyal, mga paaralan at iba pang social institutions na maglagay ng alcohol at obligahin ang kanilang mga kliyente na maggamit nito sa tuwing papasok sa kanilang gusali.

Batay sa resolusyon na inihain ni Barangay Kagawad Mark Sy, hinihikayat nito ang mga kliyente, customers, estudyante at mga empleyado na mag-sanitize ng kamay gamit ang alcohol bilang bahagi ng pag-iingat sa nakamamatay na novel coronavirus (2019)-nCoV.

Hiniling din nito sa mga paaralan na gumamit ng non-contact infra-red thermometer dahil medyo may kamahalan ang handheld thermal scanner.

Ayon kay Kagawad Sy na ang naturang hakbang ay bunga ng pangambang makakuha ng virus ang mga mamamayan dahil sa personal contact sa iba’t-ibang tao na posibleng may sakit.