ILOILO CITY – Binawi na ang suspension ng Certificate of Public Convenience (CPC) sa lahat ng mga motorboats/motorbancas na nag-ooperate sa rutang Iloilo-Guimaras and vice-versa.
Ito ay mahigit isang linggo matapos pinatigil ang byahe ng mga pumpboats dahil sa Iloilo Strait tragedy na ikinasawi ng 31 katao.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Guimaras Governor Samuel Gumarin, sinabi nito na base sa direktiba ni Department of Transportation Secretary Arthur Tugade, lifted na ang nasabing suspension at epektibo na ipapatupad ngayong araw.
Ngunit nakasaad sa direktiba ang ilang mga kondisyon bago makapaglayag ang mga motorbanca.
Kabilang sa mga kondisyon ay ang:
1.Fair weather only
2.75% passenger capacity
3.Rolling or removing of tarps
4.Wearing life vests throughout the voyage
5.trips are from 6 AM to 6 PM only