-- Advertisements --
Inaresto na ang barangay chairman sa Caloocan City dahil sa pagpayag sa mga mass gathering sa isang resort na kaniyang nasasakupan.
Sinabi ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na inihahanda na nila ang kaso laban sa Barangay Chairman ng 171 na kinaroroonan ng Gubat sa Ciudad Resort.
Kabilang na kanilang sinampahan na ng kaso ay ang may-ari na rin ng resort.
Magugunitang kumalat ang video ng paliligo ng nasa 300 katao sa nasabing resort na mahigpit na ipinagbabawal dahil sa kasalukuyang nasa modified enhanced community quarantine ang National Capital Region plus.
Patuloy din ang pagbabala ni Ano sa mga punong barangay na mananagot ang mga ito.